Magtatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang kinauukulang ahensya ng multi-agency command center (MACC) sa Metrobase ng ahensya upang matiyak ang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Kuwaresma ngayong taon.
Ang Multi- Agency Command center na binubuo ng mga kinatawan mula sa MMDA, Department of Transportation, Department of Public Works and Highways, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Inter-Agency Council for Traffic, Land Transportation Office, Philippine National Police, at local government units, ay magmomonitor sa aktwal na katayuan ng mga pangunahing hub ng transportasyon, partikular na ang mga terminal ng bus simula Lunes Santo hanggang Abril 6, Huwebes Santo, kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong magbibiyahe sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, magbibigay daan ang MACC sa mas mabilis at mas koordinadong traffic management response habang sinusubaybayan ng inter-agency task force ang katayuan ng mga pangunahing transport hub at pangunahing kalsada sa pamamagitan ng closed-circuit television camera (CCTVs).
Nakatakda ring magsagawa ng inter-agency terminal inspection ilang araw bago ang Semana Santa.
Bukod dito, ang mga ambulansya at mga tow truck ay ilalagay sa mga pangunahing lugar sa metropolis. Naghahanda na rin ang MMDA at ang mga LGU sa anumang posibleng mangyari sakaling may ma-stranded na mga pasahero.
Inanunsyo rin ni Artes ang suspensiyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme sa National Capital Region simula Abril 6 (Maundy Thursday) hanggang Abril 10 (Lunes), na idineklarang holiday.
Isaaktibo ng MMDA ang kanilang Oplan Metro Alalay Semana Santa 2023 mula Miyerkules Santo hanggang Abril 10 at magdedeploy ng kabuuang 2,104 na tauhan sa mga pangunahing lansangan, mga pangunahing transport hub, at mga pangunahing lugar sa kalakhang lungsod upang matiyak ang ligtas at maayos na daloy ng trapiko ngayong Lenten season. .
Walang Day Off, No Absent Policy ang ipapatupad sa Abril 5, 6, at 10 kung kailan inaasahang masikip ang trapiko dahil sa Holy Week exodus habang ang skeletal deployment ay ipapatupad sa Abril 7, 8, at 9 at dapat tumutok sa karaniwang Visita Iglesia sites, kasama ang Panata Route na papunta sa Antipolo at Grotto.
Tutukan din ang mga operasyon sa mga entry at exit point papunta at mula sa Metro Manila tulad ng North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Coastal Road, McArthur Highway, Marcos Highway, Mindanao Avenue, at A. Bonifacio.
Gayundin, magtatalaga rin ang ahensya ng mga traffic enforcer sa mga simbahang madalas puntahan tulad ng Redemptorist Church (Parañaque), Sto. Domingo (Quezon City), San Agustin (Intramuros), and Quiapo (Manila), among others.
Maglalagay din ng mga help desk sa mga piling lugar sa Quezon City, Caloocan, Manila, at Pasay City kung saan matatagpuan ang mga terminal ng bus at iba pang pangunahing hub ng transportasyon.