Magtatalaga ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng nasa 581 enforcers sa mga kalsada patungo at malapit sa mga pampubliko paaralan.
Ayon kay MMDA Task Force Special Operations chief Bong Nebrija, nakikipag0uganyan na ang ahensiya sa local government units bilang paghahanda bilang paghahanda sa nalalapit na pagpapatuloy ng face to face classes.
Magdedeploy din ang MMDA ng personnel sa mga intersections at pedestrian lines.
Nagsagawa na rin ang MMDA ng misting, fogging at clearing operations sa mga paaralan.
Nakatakdang ipatupad naman ng MMDA ang expnaded number coding scheme sa Metro Manila simula sa araw ng Lunes, August 15 mula 7 a.m. hanggang 10 a.m., at mula 5 p.m. hanggang 8 p.m.
Sa ilalim ng naturang scheme ang mga sasakayan na may plaka na nagtatapos sa 1 at 2 ay ipinagbabawal sa araw ng Lunes, 3 at 4 sa araw ng Martes, 5 at 6 sa araw naman ng Miyerkules, 7 at 8 sa araw ng Huwebes at , 9 at 0 sa araw ng Biyernes.
Nilinaw naman ng MMDA official na sa pinalawig na number coding scheme kanilang papaalalahanan muna ang publiko sa unang dalawang araw at sa pamamagitan ng public information.