-- Advertisements --
Magpapatupad ang Metro Manila Development Authority o MMDA ng moratorium o pansamantalang pagpapatigil sa lahat ng road diggings o pagkukukumpuni ng mga kalsada sa Metro Manila ngayong holiday season.
Ayon kay MMDA chairperson Engr. Carlo Dimayuga III, layon nitong maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng mga sasakyan sa mga lansangan habang papalapit ang Kapaskuhan.
Epektibo ang moratorium simula ika-14 ng Nobyembre hanggang ika-2 ng Enero ng susunod na taon.
Sakop ng moratorium ang lahat ng road repair works ng Department of Public Works and Highways maliban na lamang sa mga flagship at priority projects ng gobyerno na kinakailangan naka-schedule upang hindi maapektuhan ang mga motorista.