-- Advertisements --
image 150

Kumpiyansa ang MMDA na ang isinasagawang road repair sa kahabaan ng EDSA ay kanilang matatapos sa tamang oras.

Sinabi ni MMDA acting chairman Romando Artes na isang paraan upang mapabilis ang pagsasaayos ay ang kooperasyon ng publiko.

Gayundin ang magandang lagay ng panahon na hindi nakakapag-antala sa kanilang ginagawang repair sa mga kalsada.

Aniya, maayos na nailatag ang kanilang traffic management plan na naging dahilan upang sumunod ang mga drivers para dumaan sa alternatibong mga ruta.

Dagdag ni Artes na ito ay nakatulong upang maibsan din ang bigat ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Kaugnay niyan, iginiit din ni Artes na naging handa rin sila sa dagdag na trapiko ngayong araw kasabay ng pagsisimula ng enrollment period sa mga paaralan.

Una na rito, ayon sa MMDA matatapos ang road repair sa darating na Agosto 9.