Tuloy-tuloy ang gagawing clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga Mabuhay Lanes at ibang mga kalsada sa Metro Manila.
Ito ang pangunahing tinalakay sa ginawang pagpupulong ng MMDA sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP).
Ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana na tutulong ang PNP para sa kanilang clearing operations dahil sa kulang ang kanilang mga tao.
Nakipag-ugnayan na rin sa mga iba’t-ibang barangay officials para sa pagpapaluwag ng kalsada sa mga pampublikong kalsada para maging ligtas sa motorista at sa mga pedestrian.
Maglalabas din aniya ang DILG ng memorandum circular na nag-aatas para sa coordinated clearing operations ng mga ahensiya, barangay at kapulisan.