-- Advertisements --
image 529

Sugatan ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos itong ma aksidente sa EDSA Busway sa Quezon City.

Kinilala ang MMDA enforcer na si Gilbert Merjiña, aniya, aminado siyang nakatulog siya habang nagmamaneho dahil na rin daw sa pagod.

Isa si Merjiña sa mga MMDA personnel na naka deploy para bantayan ang traffic ngayong linggo, sa ginaganap na basketball match ng FIBA World Cup 2023 sa Araneta Coliseum.

Nangyare ang aksidente kaninang 4 a.m. sa EDSA malapit sa Santolan, northbound.

Ang biktima ay sumalpok sa isang concrete barrier ng EDSA Busway at nagtamo naman ng mga sugat sa kanyang kanang tuhod.