-- Advertisements --
Nagpaliwanag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa naging pagsita sa kanila ng Commission on Audit sa 71 na mga sasakyan nila na hindi nakarehistro.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na ang nasabing mga sasakyan ay hindi na kayang makumpuni at hindi na rin ginagamit.
Isinusulong kasi nila ang road worthiness ng mga sasakyan kaya hindi nila ipinipilit na gumamit ng mga sasakyan na mayroong deperensiya.
Ang nasabing mga sasakyan ay handa na rin nilang idispose at yung ibang mga bahagi ay kanilang binabaklas para magamit pa sa ibang sasakyan ng ahensiya.