-- Advertisements --

Kinukonsidera ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang muling pagpapatupad ng number coding scheme tuwing rush hours.

Ang dami kasi aniya sa ngayon ng mga sasakyan na bumabiyahe na sa mga kalsada sa Metro Manila ay halos malapit na sa bilang bago pa man magkaroon ng COVID-19 pandemic, at madalas tumitindi ang traffic tuwing rush hours.

Sinabi ni Abalos na kanilang babantayan muna ang sitwasyon sa trapiko dalawa hanggang tatlong araw bago pa man sila magdedesisyon hinggil sa posibleng pagbabalik ng number coding schemes.

Base sa monitoring ng MMDA, pumalo na sa 398,000 ang bilang ng mga sasakyan na dumaan sa EDSA noon lamang Oktubre.

Mas mababa ito ng 7,000 sa 405,000 na average number ng mga sasakyan noong bago pa man nagka-pandemya.

Magugunitang sinuspinde ang number coding scheme sa Metro Manila noong nakaraang taon pa dahil sa limitadong bilang ng pampublikong sasakyan.