Nakatakdang talakayin ng Metropolitan Manila Development Authority at Metro Manila Council sa susunod na Linggo ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa implementasyon ng single ticketing system sa Metro Manila.
Kung maaalala, naglabas ang Supreme Court ng desisyon na nagbabawal naman sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na mag isyu ng ticket sa mga mahuhuli nitong motorista na lumabag sa batas trapiko.
Sa isang pahayag, sinabi ni MMDA Chairperson Atty. Romando Artes, na natanggap na nila ang naging desisyon ng kataastaasang hukuman.
Dito at sinabi ng SC na ang kanilang desisyon ay final at executory.
Sinabi naman ni Artes na sa ngayon ay maaariboang manghuli at maglabas ng ticket ang mga traffic enforcers ng local na pamahalaan sa NCR.
Sa loob rin aniya ng 15 araw ay maaaring mag haon ng motion for reconsideration ang mga LGU.
Dito ay maaari nilang kwestyunin ang kanilang kapangyarihan na makapanghuli at mag-issue ng ticket sa mga pasaway na motorista.
Giit pa ni Arte na kailangang mag-usap ang MMDA at MMC upang pag-aralan ang magiging dulot ng nagong desisyo6ng Korte Suprema. (With reports from Bombo Victor Llantino)