-- Advertisements --

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at PNP Highway Patrol Group (HPG) kung saan napag-usapan ang pagresolba sa trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Pinangunahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos at PNP HPG director Brig. Gen. Alexander Tagum ang pagpupulong.

Labis ang pasasalamat ni Abalos sa HPG dahil dinagdagan nila ang mga itinalagang personnel para tumulong sa mga enforcers na nanghuhuli sa mga walang disiplinang drivers.

Nagdagdag kasi ng 40 personnel ang HPG kung saan aabot na sa 120 HPG personnel ngayon ang pumupuno sa kakulangan ng MMDA enforcers sa iba”t ibang bahagi ng Metro Manila.

Isa ring napag-usapan nila ang paglalagay ng isang command center ng MMDA traffic enforcers sa harap ng Camp Crame para doon na dadalhin ang mga naarestong lumalabag na mga traffic enforcers.

Sang-ayon din ang HPG na ma-deputize sila ng MMDA para sa mabilisang paghuli sa mga traffic violators.