-- Advertisements --

Binigyan ng tatlong taong moratorium sa amusement tax sa National Capital Region ang mga pelikulang Pilipino.

Ayon kay Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, naipasa na ng mga alkalde sa NCR ang isang resolusyon para tulungan ang industriya ng pelikulang Pilipino.

Ito ay matapos na unanimously na sumang-ayon ang mga local chief executives sa rehiyon na magkaroon ng three-year moratorium sa amusement tax ng naturang industriya.

Kung maaalala, una nang nagpasaklolo sa Department of the Interior and Local Government ang mga local firm producers sa bansa para sa kanilang hiling na magkaroon ng moratorium sa 10% amusement tax ng mga pelikulang Pilipino.

Layunin din nito na tulungang makabangon ang nasabing industriya mula sa pagkakalugmok na dulot ng epekto ng pagtama ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.