Umakyat na sa 275 ang bilang ng mga kongresistang bahagi ng tinaguriang supermajority sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Sinabi ito ni Deputy Speaker Mikee Romero kasunod ng pulong na ipinatawag ni Speaker Lord Allan Velasco Velasco kasama ang mga lider mula sa iba’t ibang partido sa Kamara.
Ayon kay Romero, 22 ang bilang ng mga ng mga kongresista sa minoriya, at tatlo ang independents.
Sinabi ng kongresista na napagkasunduan nila sa pulong na ituloy na ang kanilang trabaho sa Kamara na nagkakaisa, gawing prayoridad at bilisan ang pagtalakay at pag-apruba sa legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Napagkasunduan din aniya nila na tapusin sa lalong madaling panahon ang deliberasyon ng bicameral conference committe sa panukalang pondo para sa susunod na taon.
Gayundin aniya ang para sa mga panukalang batas na tutugon naman sa epekto ng COVID-19 pandemic.










