-- Advertisements --
image 152

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakdang ilabas ngayong linggo ang mitigation plan ng pamahalaan para sa El Nino phenomenon.

Ayon sa Pangulo, nagtutulungan na ang Department of Environment and Natural Resources, Department of Public Works and Highways, Department of Agriculture at National Irrigation Administration upang maibsan ang epekto ng El Nino ngayong taon.

Sinabi din ng Punong ehekutibo na tutulong si dating Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson para sa pagbalangkas ng contingency plan para sa El Nino.

Gumagawa na rin aniya ng isang sistema ng catchment basins para sa flood control.

Maalala noong Abril, una ng ipinagutos ni Pangulong Marcos Jr sa task force na binuo para pagtuunan ng pansin ang pagtugon sa epekto ng El Nino phenomenon.

Ipinagutos rin ng Pangulo ang paglikha ng Water Resources Management Office sa ilalim ng DENR.