Utah Jazz/ Photo courtesy of NBA

Nagtulungan sina Donovan Mitchell at Rudy Gobert upang mailigtas ang Utah sa 47-point performance ni Kemba Walker, at maitala ng Jazz ang 111-102 panalo kontra Charlotte Hornets.

Kumubra ng 23 points si Mitchell, at si Gobert na humugot ng 18 points at 18 rebounds para sa Jazz.

Kinontrol din ni Gobert ang paint sa paglikha ng Utah ng sapat na abanse para itaguyod ang kanilang koponan kontra kay Walker, na nagbuhos ng 22 points sa fourth quarter.

“We had a great game defensively besides the last few minutes when Kemba just went off,” wika ni Gobert.

Umasiste rin si Joe Ingles na may 15 points, na lahat ay 3-pointers, at si Thabo Sefalosha 14.

Inalat din ang Charlotte sa first half na nagrehistro lamang ng 29.8% shooting, na nauwi sa pagkakatala ng Jazz sa 52-39 sa half.