-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Selos ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa nangyaring pananaga ng isang mister sa live-in partner nito sa Purok-4 , Brgy. La Fortuna, Mlang, North Cotabato bago nagpakamatay ang suspek.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mlang PNP chief of police Lt. Col. Realan Mamon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo sina Eddie Pael Sumongsong, 38-anyos at Ermelyn Pawon Liwantang, 35-anyos.
Ayon kay Mamon, kinuha ni Sumongsong ang isang itak at pinagtataga si Liwantang hanggang sa ito’y mamatay.
Matapos ginawa ang krimen ay nilaslas naman nito ang kaniyang sariling leeg.
Naulila ng mga ito ang apat nilang mga anak na pawang mga menor de edad na nasa pangangalaga na ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).