Hindi napigilan ni Cris Tanyag na maging emosyunal sa pagaharap nito sa mga myembro ng media kanina.

Nagpasalamat ang mister ng pinatay na assistant special prosecutor ng Office of the Ombudsman na si Atty. Madonna Joy Tanyag, na limang buwang buntis, dahil sa pagkaka-aresto sa suspek sa loob lamang ng walong oras.

Ayon kay Tandag natutuwa siya dahil nahuli ang suspek at kung nabubuhay pa ang misis nito ay siguradong sasabihin nito na naniniwala siya sa batas at hustisya.

Naaresto ng mga otoridad ang primary suspek na si Angelito Avenido at nakuha sa posisyon nito ang ilang ID ng biktima at iba pang mga gamit.

Una ng sinabi ng PNP na miyembro ng basag kotse gang si Avenido na tubong General Santos City.

Napag-alaman na nitong Marso lang umalis sa Gen San ang suspek at nagtungo dito sa Metro Manila.

Ibinunyag ng PNP na “problematic” na bata si Avenido at lulong sa iligal na droga.