ILOILO CITY – Labis ang pagsisisi ng mister na suspek sa nangyaring pamamaril sa quarantine facility sa Iloilo na ikinamatay ng barangay tanod at ikinasugat ng kanyang misis sa Barangay Mambog, Oton, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Melchor Amegable, Jr., sinabi nito na hindi rin niya inakalang na magagawa niya ang nasabing krimen bunga ng kanyang pagseselos sa misis nitong si Mylene Peronce na isang overseas Filipino worker (OFW) at kakauwi lang sa Pilipinas.

Ayon kay Amegable, nagdududa siya na may kalaguyo na ang kanyang misis kung saan nakita niya umano na may dumadalaw sa kanya na isang lalaki dahilan upang magselos ito na nagresulta sa pamamaril.

Nahuli naman ang suspek na nahaharap sa kasong murder at humingi ng paumanhin sa nagawang krimen sa pamamagitan ng Bombo Radyo Iloilo.