-- Advertisements --

Isinapubliko ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang kanilang plano na pabalikin sa buwan ang mga astronauts sa taong 2024.

Tinatayang aabot ng $28 billion o halos P2 trillion ang naturang proyekto. $16 billion mula sa nasabing halaga ay ilalaan naman sa lunar landing module.

Dahil dito ay kakailanganin ng US Congress na lagdaan ang financing project na itinuturing ni President Donald Trump bilang top priority.

Hindi naman ikinakaila ni NASA administrator Jim Bridenstine na isa ang pulitika sa kalimitang problema na kanilang hinaharap lalo at nalalapit na ang 2020 US presidential elections.

Sa oras na aprubahan ito ng Kongreso ay matatanggap ng NASA ang first tranche ng budget na $3.2 billion sa araw ng pasko.