-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng dating alkalde ng Iligan City at ngayon Phividec Administrator Franklin Quijano ang narekober na bangkay ng kanyang maybahay napulutang-lutang sa Mandulog River sa nasabing
syudad.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Quijano, binanggit nitong nagmatch ang dental records ng kanyang misis sa narekober na bangkay at hinihintay pa nito ang DNA test mula sa Kampo Krame.

Nalungkot ang dating alkalde dahil umabot sa isang buwan ang kanilang paghahanap, at isang bangkay na naaagnas ang kanyang nadatnan noong makatanggap sila ng report ng isang katawang ng babaeng lumutang sa ilog malapit sa kanilang bahay.

Noong Hunyo 27, humingi ng tulong mula sa Bombo Radyo Cagayan de Oro si Quijano dahil sa nawala nitong misis na si Salma Theresa Bersales Gerona-Quijano.

Una rito, inamin ni Quijano na posibleng may mental problem ang kanyang may bahay.