TACLOBAN CITY – Patay na nang matagpuan ng mga otoridad ang isa sa dalawang guro na nawawala matapos umanong malunod sa Northern Samar.

Kinilala ni Maj. Joseph Quilitan ng Palapag PNP ang nasawi na si Leonard Adarian.

Batay sa ulat, hinampas ng malaking alon ang biktima kasama ang ilang kapwa guro na naliligo sa isang beach resort.

Nakita ang katawan ni Adarian sa katabing barangay ng resort kung saan ito naligo kasama ang ilang katrabaho.

Sa ngayon hinahanap pa ang isang guro na si Reynaldo Adora, gayundin ang imbestigasyon sa kaso.

Una ng nakita ang bangkay nina Artemio Mejos at James Dulay.