-- Advertisements --
Nagbabala ang Ukraine na handa silang magpaulan ng mga missiles laban sa Russian.
Ito ay matapos na dumating na ang High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) na ibinigay ng US.
Sinabi ng Ukraine Foreign Minister Oleksii Reznikov na hindi sila magdadalawang isip na magpaulan ng missile sa Russia sakaling patuloy ang gagawing paglusob sa kanilang bansa.
Ang nasabing rocket system ng US ay kayang tamaan ang target nito sa layong 50 milya.
Ang apat na HIMARS ay bahagi ng $1 bilyon na aid package ng US na inanunsiyo nitong buwan lamang.
Mula kasi noong Pebrero ng simulan ng Russia ang paglusob sa Ukraine ay aabot na sa mahigit $5.6 bilyon ang tulong na naibigay ng US.