Naluha sa tuwa ang Filipino shoe designer na si Jojo Brigais nang tuparin umano ng Miss Universe Organization na siya ang italaga bilang official footwear sponsor ng prestihiyosong pageant.

Jojo Bragais Miss U 2

Ayon kay Jojo na tubong Albay, hangad niya na makakapagpaturok ng coronavirus vaccine bago pumunta sa Amerika para masimulan na ang pag-asikaso sa kanyang proudly Pinoy made at world class shoes.

Tinatayang 150 hanggang 200 pares ng sapatos ang gagawin niya para sa 75 official candidates kabilang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Si Bragais ang unang official footwear sponsor ng Miss Universe.

“I am grateful for the Miss Universe organization for the trust they have given Bragais. They made my dream possible by becoming the first Pinoy footwear partner for the pageant,” saad nito sa ABS-CBN.

Sa darating na May 17, Manila time, gaganapin an 69th edition ng Miss Universe sa Florida.