-- Advertisements --
Hinikayat ni Miss Universe Philippines President Jonas Gaffud ang mga kandidata ng Miss U na gamitin ang kanilang native language.
Ayon kay Gaffud, may mga pagkakataon umano na naaapektuhan ang kahulugan ng kanilang sagot o ng gusto nilang sabihin dahil sa pag-iisip ng tamang grammar sa English.
Dagdag niya pa, okay lang daw na gamitin ang wikang English subalit wala naman umanong masama na gamitin ang iba pang wika ng bansa gaya ng Waray, Ilocano, Bicolano, Hiligaynon, Kapampangan, at Chavacano.
Inaasahan na mahigit 60 kandidata ang maglalaban-laban para sa korona ng Miss Universe Philippines ngayong taon na may temang “Love for All” na may layong makagawa ng makahulugang pagbabago sa mundo.