Beatrice 2
-- Advertisements --
Beatrice

Mismong ang Cebu-based performance disc jockey na si Kate Jagdon ang nagkumpirma na hiwalay na sila ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Sa pamamagitan ng tinatawag na IG Story ngayong araw, pinili niya raw na manahimik muna sa gitna ng ilang linggo mula nang umugong ang balitang hiwalay na sila ni Beatrice.

Bea breakup 3

Hindi naman binanggit ni Kate kung ano ang naging dahilan ng pagtatapos ng mahigit na anim na taon nilang relasyon bilang magkasintahan.

Gayunman, nais niya lang unahan ang posibleng paglabasan ng mga tsismis at mga maling impormasyon.

“These past few weeks have been the most difficult time of my personal life,” panimula ni Jagdon.

-- Advertisement --

Napag-alaman na umingay ang relasyon ng dalawa noong lumaban si Bea sa Binibining Cebu 2020, kung saan inamin niya na mayroon siyang girlfriend.

Sa question-and-answer portion ng pageant, sumagot ang pambato ng bansa sa Miss Universe na ang pagiging matapang at totoo niya sa sarili ang dahilan kung bakit siya maganda.

“To tell you guys honestly, I have a girlfriend, I have tattoos, and I’m very proud of my imperfection. And I guess that what makes me beautiful,” ani Gomez.

Ngayong linggo ay babiyahe si Bea sa Eilat, Israel para sa nalalapit na Miss Universe 2021 coronation na gaganapin sa December 13, Manila time.