ILOILO CITY – Sa kabila ng kinakaharap na pandemya, inaasahan pa rin na magiging star-studded ang gaganaping Digital Dinagyang 2021.

Tema ng selebrasyon ay “One Dinagyang, One Iloilo, Halad kay Senor Sto. Niño”.

Magiging host naman ng Dinagyang Digital 2021 ang actor na si Rocco Nacino at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Personal namang inimbitahan nina Rabiya at Rocco ang mga Ilonggo at mga spectators na manood ng world-famous Dinagyang Festival na ngayon ay digital na at mapapanood sa social media.