Nanguna sa pagbibigay ng suporta at tulong si reigning Miss Philippines Earth Janelle Tee para sa mga front liners ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa beauty queen, sinabi nitong layunin ng kanyang campaign na “Quaranteam” na matulungan at mabigyan ng sapat na Personal Protective Equipment o PPE at mga medical supplies ang mga doktor, nurses, at mga ospital.
Gusto rin anya nilang matulungan ang mga daily wage workers na kinakaharap ang matinding krisis ngayon dahil sa Enhanced Community Quarantine.
“Quaranteam is a fund-raising campaign. Nakikita ko yung nangyayari sa ating mga kababayan. Siyempre, ayaw naman natin silang mahirapan. Uncertain ang lahat ngayon. Hanggang kailan ito matatapos? Hindi natin alam, so the more na kailangan nila ng karagdagan pang tulong. I’ve put up Quaranteam. It’s a fund-raising campaign para suportahan ang ating mga frontliners and our daily wage workers.”
Sinabi rin nitong sa kanilang malilikom na donasyon ay balak nilang tulungan ang buong Pilipinas.
“We are aiming to raise funds to hopefully help the whole Philippines. It will actually depend largely on how much amount we will be able to raise kasi ayaw naming tulungan lang yung NCR lang or dito lang sa Manila, but we wanted to bring it sana to the whole Philippines.”
Ibinahagi rin nito ang kanilang mga binabalak na ibigay para sa mga front liners. Sinabi rin nitong financial assistance naman ang gusto nilang ihatid para mga manggagawa na naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.
“We are aiming to provide our frontliners face shields and aerosol boxes kasi yun po yung kailangan ngayon. We’ve communicated with some hospitals. May financial assistance sa ating daily wage workers, like jeepney drivers, tricycle drivers.”
Para sa beauty queen, napakalaki ng naitutulong mga naturang front liners at dapat silang bigyan ng suporta sa panahon ng krisis na ito.
“To all our frontliners, thank you very much. Words are not enough to express our gratitude. In the best way that we could, we will help you, we will support you. Ayaw ho naming mag increase pa yung numbers ng mga namatay na frontliners natin just to really save lives and make us feel secure during this time with your care and compassion. Maraming maraming salamat po sa inyo. Lahat ho ng nagbibigay sebisyo sa ating bayan ngayon para malabanan natin at malampasan natin ang krisis na ito. Maraming salamat po.”
Nag-alay din ito ng mensahe para sa lahat ng mga kababayan na natatakot dahil sa kumakalat na sakit.
“Wag po tayong matakot. Nandiyan ang Diyos. Magdasal po tayo. Wala pong imposible pag tayo’y nanalig sa kanya at the same time, nandiyan din po ang gobyerno. Di tayo pababayaan. Lahat po ng nagseserbisyo ngayon. Di tayo pababayaan ng national government, ng LGU, and of course, yung mga taong may busilak na puso na handang tulungan tayong lahat. Nakakatuwa rin ang nangyayari sa ating bayan. Nakikita rin natin yung bayanihan spirit na ginagawa natin sa isa’t-isa so wag po tayong matakot dahil kaya natin ito. Walang hindi kaya ang Pinoy at ipagdasal lang ho natin na sana, hindi na madagdagan yung cases every day at mas madagdagan yung cases ng recovered. Wag po tayong matakot at manalig lang tayo.”
Samantala, nagbigay din naman ito ng update sa Miss Philippines Earth 2020 pageant na gaganapin sana sa buwan ng Mayo kung saan ipapasa na niya ang kanyang korona.
“For Miss Philippines Earth, definitely mauurong yung coronation night. May mga delegates and candidates na tayo from their own respective places. The girls have started their activities na sana pero na-hold ngayon because of the Enhanced Community Quarantine. Abangan niyo po. Definitely, itutuloy natin yan pag maayos na tayong lahat sa krisis na pinagdadaanan natin.”