BAGUIO CITY- Punong-puno na ng mga bulaklak ang mga floats na pumarada para sa Grand Float Parade na bahagi ng Panagbenga Festival.

Una sa mga floats na pumarada ay ang tatlong non-competing floats mula sa lungsod ng Baguio, Baguio Country Club at ang float ng isang sikat na mall sa lungsod.

Napag-alamang hindi sila napabilang sa mga competing floats dahil ito ang mga Hall of Fame awardees.

Samantala, isa naman si 2016 Miss International Kylie Versoza sa mga sasakay sa isa sa mga floats na paparada.

Sa ngayon naman ay inaabangan parin ng mga tao ang paglabas ng float na sinakyan nila Alden Richards, Maine Mendoza, Bea Alonzo, Enchong Dee, Ian Veneracion at iba pang tanyag na personalidad.

Natuwa naman ang mga taong nanunuod partikular sa Police Regional Office- Cordillera Band dahil sa pagsususot ng mga babaeng police ng tapis o ang native na bestida ng rehiyon Cordillera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here