Reading Time: 1 minute

Muntikan na raw sumuko mula sa kaniyang beauty queen dreams si Miss Earth Philippines 2019 Janelle Tee.

Pag-amin ng 28-years old beauty queen, desidido na raw itong manalo ng korona ngayong taon gawa na rin ng kaniyang edad.

Kaya labis ang kaniyang saya na naramdaman noong matanggap niya ang balita mula sa mga organizers ng Miss Earth Philippines na tatanggap pa rin sila ng mga contestants hanggang sa edad na 28 taong gulang.

Pinanghahawakan din ni Tee ang paniniwala nito na kahit kailan ay hindi magiging huli ang lahat para maabot ng isang tao ang kaniyang pangarap.

Hinirang na Miss Earth Philippines 2019 ang pambato ng Pasig City matapos nitong mapahanga ang mga hurado sa kaniyang sagot patungkol sa eco-tourism at pagbibigay ng trabaho sa mga taong nangangailangan nito.