Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Inaasahang bubuhos ang mga tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol sa gagawing Coronation Night ng Miss Bicolandia 2019 sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City mamayang gabi.

Nabatid na mula sa 20 nagagandahang kandidata, 19 na lamang ang magpapatalbugan upang masungkit ang korona sa naturang prestihiyosong patimpalak matapos umatras ang isa dahil sa conflict sa mga rehearsals at klase nito.

Magiging special guest sa naturang aktibidad sina third runner-up Miss Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee at Gab Lagman habang magiging host naman sina 1st runner-up Miss Grand International 2016 Nicole Cordoves at Robi Domingo.

Kaugnay nito, mas pinahigpit naman ang seguridad sa lungsod para matiyak ang kaligtasan ng mga bisita.

Ang Miss Bicolandia, ang taunang ginagawa bilang bahagi ng Penafrancia Festival kung saan kasama sa mga produkto nito ang mga international beauty queens na sina Venuz Raj, Dianne Necio, Elaine Kay Moll, Yvette Santiago at Melody Gersbach.