Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Inaasahang magiging star-studded ang Miss Bicolandia ngayong taon.

Special guest kasi sa naturang aktibidad sina third runner-up Miss Universe 2011 Shamcey Supsup-Lee at Gab Lagman, habang host naman si Miss Grand International 2016 1st first runner-up Nicole Cordoves at Robi Domingo.

Binubuo ang pageant ng 20 naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang lugar sa Bicol ngunit kinumpirma ngayon ni Coun. Jose Perez, co-chairman ng executive committee ng Miss Bicolandia, na isa sa mga kandidata ang biglaang umatras dahil sa conflict sa oras ng mga rehearsals at klase nito.

Nakatakdang gawin ang coronation night ng Miss Bicolandia sa darating na Setyembre 11 sa Jesse M. Robredo Coliseum.

Ang Miss Bicolandia ay taunang ginagawa bilang bahagi ng Penafrancia Festival kung saan kasama sa mga produkto nito ang mga international beauty queens na sina Venuz Raj, Dianne Necio, Elaine Kay Moll, Yvette Santiago at Melody Gersbach.