Posibleng magkaroon na ng kanilang sariling subscribers ang Mislatel Consortium pagsapit ng fourth quarter ng taon.

Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio, ang Metro Manila ang siyang unang makakatamasa sa serbisyo ng ikatlong telecommunications player sa bansa.

Nagsimula na rin aniyang magtayo ang Mislatel ng kanilang cell sites at nakikipag-ugnayan na rin sa mga partners nilang cable tv operators at maliliit na telcos.

Nobyebre 19 ng nakaraang taon nang ideklara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Mislatel Consortium bilang bagong telco player sa bansa.