Masayang inanunsyo ng Tongan actor/model/comedian na si Eric Tai na isinilang na ng kanyang misis ang kanilang panganay na anak.

Sa kanyang online post, inihayag ni Tai na tumimbang ang kanilang baby boy ng 7 lbs.

“All of our prayers have been answered because of our Faith in the Lord Almighty, your love and your support,” caption ni Tai.

Taong 2015 nang ikasal si Eruption at non-showbiz wife.

Nakilala rin si Tai sa screen name na “Eruption” noong kabilang pa sa mga host ng isang noontime show.