LEGAZPI CITY – Apektado rin ang ilang parokya sa mga lalawigan ng Batangas at Cavite sa nagpapatuloy na pag-aalburuto ng bulkang Taal.
Sinabi ni Diocese of Legazpi Social Action Center Director Fr. Rex Arjona sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, maraming bayan ang naka-lockdown kaya’t hindi naaasikaso ang mga simbahan.
Subalit ilang parokya aniya ang binuksan para sa mga residente upang magsilbing evacuation centers, ayon sa kanilang nakukuhang mga impormasyon.
Sa mga naturang lugar na rin idinadaos ang misa para sa mga evacuees kasabay ng psychological first aid at iba pang mga spiritual activities.
Umaasa si Arjona na sa pamamagitan ng mga naturang aktibidad ay mapapawi ang trauma ng ilang residente sa hirap ng sitwasyon na pinagdadaanan.
Hindi naman umano tumitigil sa pananalangin upang bumiti na ang kalagayan ng bulkan at makabalik sa normal ang buhay ng mga residente.