-- Advertisements --
BAKUNA REGION 1

Inirekomenda ng isang eksperto na dapat maisama na mabakunahan ng ikalawang booster shot ang mga menor de edad sa gitna ng banta ng ibang mga sakit na nagiging sanhi din ng pagiging vulnerable ng mga ito sa coronavirus.

Ayon sa health advocate na si Dr. Tony Leachon kumikitil sa nakababatang populasyon ang lifestyle diseases na siyang rason kayat dapat na maging accessible na para sa lahat at maging mandatoryo ang pagpapabakuna ng ikalawang booster.

Ito ay matapos na payagan na rin ng DOH ang mga adult edad 18 pataas na makatanggap ng ikalawang booster shot.

Ipinunto din ni Dr. Leachon na dapat ginawa na ang naturang hakbang bago pa man magpaso ang mahigit 50 million doses na bakuna kontra covid-19.

Naniniwala naman ang eksperto na titiyakin ng DOH na ang hindi pa nagpaso na mga bakuna ay gagamitin para sa pagtuturok ng ikalawang booster dose.

Hinimok din ng eksperto ang pamahalaan na sa gitna ng limitadong oaras na maglagay ng vaccination sites sa mga unibersidad, workplaces at pharmacies upang maabot ang mas maraming eligible individuals na mabakunahan.

Top