Suportado ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. ang panawagan na palawigin pa ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Sinabi ni Abante na suportado niya ang posisyon ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda na palawigin pa ng dalawang linggo ang Luzon-wide ECQ.
“I concur with my good friend and colleague, Rep. Salceda, when he says we should look at the data and heed the input of our scientists and medical professionals,” ani Abante.
Dapat aniya na isaalang-alang ang mga karanasan ng ibang bansa sa COVID-19 pandemic ang anumang desisyon na gagawin ng pamahalaan sa krisis na dulot ng sakit na ito.
Prayoridad aniya sa ngayon ng pamahalaan ang pag-contain sa outbreak na ito at base sa mga datos mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay malaki natukoy na nakakatulong ECQ para mabawasan ang transmission ng virus.
Kaya marapat lamang na ipagpatuloy ang pag-iral nito hanggang sa makita na ligtas nang tanggalin ang ECQ.
Gayunman, hinimok ni Abante ang pamahalaan na bilisan ang pamamahagi ng subsidiya para sa mga mahihirap na pamilya para matiyak na walang Pilipinong magugutom habang may ECQ.
“Marami sa ating kababayan di makapagtrabaho at walang kita habang sila ay naka-quarantine. To help them cope with this ECQ they must be given adequate support so they can still buy food and other essentials,” giit ni Abante.
Binigyan diin nito na handang makipagtulungan ang publiko sa mga hakbang ng pamahalaan basta’t alam ng mga ito na nasa likod lamang nila ang gobyerno at handa ring tumulong.