Madadagdagan na ng P35 kada araw ang minimum wage sa Ilocos Region simula ngayong araw, matapos itong unang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa nakalipas na buwan.
Dahil dito, ang mga establishimiento na mayroong mas mataas sa sampu ang bilang ng mga empleyado nito ay nasa P435/day na.
Habang ang mga establishimiyento na may mas mababa sa 10 ang pumapasok na empleyado ay kailangang magbigay ng arawng pasahod na P402.00
Maliban dito, simula ngayong araw ay epektibo na rin ang mas mataas na pasahod sa mga kasambahay sa naturang rehiyon.
Mula sa dating P5,000 kada buwan ay aangat ito ng hanggang P5,500 kada buwan.
Ang Ilocos Reigon ay binubuo ng mga probinsya ng Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Unioin, at ang probinsya ng Pangasinan.