-- Advertisements --
Posibleng umanong may epekto sa inflation rate ngayon buwan ng Hunyo at sa mga susunod na buwan ang pagpapatupad na ng minimum wage increase lalo na sa Metro Manila.
Ayon sa ilang ekonomista, maaaring makadagdag sa pagtulak sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin ang implementasyon ng daily minimum wage hike sa 14 na rehiyon at ang dagdag na pisong taas sa pasahe sa Metro Manila, Luzon, Calabarzon at MIMAROPA area.
Tinatawag itong bahagi ng inflationary pressures.
Una nang tinaya rin ng National Economic and Development Authority (NEDA) March na ang jeepney fares increase ay makadagdag sa pagtaas din ng inflation rate.