KORONADAL CITY – Tiniyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa Tulunan, North Cotabato, na sapat ang tulong na dumadating sa kanilang bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Jenalyn Delasan, head ng Municipal Social Welfare ang Development Office-Tulunan, dumarami ang saklolo sa kanilang lugar kung saan malaking tulong na ito sa mahigit 5,000 pamilyang apektado ng lindol.

Nagiging maayos na rin aniya ang pamamahagi ng relief goods katulad ng pagkain, tubig at trapal na kailangan ng mga residente.

Dagdag ng opisyal, nakapagtala sila ng 3,404 families kung saan “partially damaged” ang kanilang mga bahay habang 1,683 naman ang “totally damaged.”

Nabatid na walang evacuation centers sa Tulunan, sa halip ay mga evacuation camps lamang dahil sa nasira at gumuho ang mga gym.