-- Advertisements --

Milyun-milyong pisong halaga ng kahoy nasabat ng mga otoridad sa Nueva VizcayaAUAYAN CITY- Nasabat sa Barangay Calitlitan, Aritao,Nueva Vizcaya ang mahigit 4 million pesos na halaga ng tablon-tablong narra.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office o NVPPO sa isang checkpoint sa Calitlitan. Aritao ay naaresto sina Cecilio Macalos, 43 anyos, isang driver, residente ng San Jose del Monte , Bulacan; Armario Cahayagan, 50 anyos, residente ng Kurbada Norzagaray, Bulacan at Arcadio Pascual, 50 anyos, isang pahinante at residente ng Pinukpuk,Kalinga

Batay sa report ng mga awtoridad, naharang ng DENR Nueva Vizcaya at Aritao Police Station sa naturang checkpoint ang truck na minamaneho ng pinaghihinalaan at nakita ang 81 piraso ng narra na mayroong sukat na 8,155 board feet.

Batay sa pagtaya ng DENR Nueva Vizcaya, tinatayang mahigit sa 4 million pesos ang mga nasabat na kahoy na umanoy ibabagsak sana sa Pasig City.

Nang maharang at hanapan ng dokumento ang mga pinaghihinalaan ay wala umanong maipakitang kaukulang papeles ang tatlo.

May hinala ang mga otoridad na galing sa lalawigan ng Kalinga ang mga kahoy na nasamsam.

Mahaharap ang mga pinaghihinalaan sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Anti illegal Logging Act).