Inaprubahan na ng U.S. Congress ang malawakang pagsasagawa ng military housing program na magiging daan upang wakasan ang mahirap na pamumuhay ng mamayan sa Amerika.
Layunin ng naturang reporma na protektahan ang nasa 200,000 military families mula sa lumot, lead, asbestos at pest infestations.
Pinirmahan ng Kongreso ang halos $300 million sa 2020 funding na nasa ilalim din ng National Defense Authorization Act. Kasama na rito ang pagpapakulong sa mga fraud landlord at protektahan ang mga pamilyang magsusumbong sa katiwalian ng kanilang mga landlord.
Ayon kay Virginia Democratic Senator Tim Kaine, hindi umano mangyayari ito kung nagpokus lamang sana ang militar sa pagsasa-ayos ng mga naturang kontrata.
Ang nasabing housing measures ay parte ng defense bill na nakapasa sa Senado matapos nitong makakuha ng 86-8 na boto.