-- Advertisements --

Sa kabila ng isinasapinal na pagbabalik sa Usapang Pangkapayapaan, mananatili pa rin ang military at police operations ng pamahlaan laban sa rebeldeng NPA.

Ito ang ibinunyag ni Peace Adviser Carlito Galvez Jr.

Aniya, ang mga inisyal na hakbang para sa peace negotiation ay hindi nangangahulugang magkakaroon na kaagad ng peacetalk.

Maalalang una na ring sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang pagkakaroon ng holiday ceasefire sa pagitan ng tropa ng pamahalaan ang ng rebeldeng grupo ay dedepende na sa local peace and order council ng bawat LGU.

Bago nito ay nagpakita rin ng suporta sina Armed Forces chief Gen. Romeo Brawner at PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa pagpapatuloy ng peace negotiation.