-- Advertisements --

wmc1

Mariing kinondena ng pamunuan ng Western Mindanao Command (WesMinCom) ang pagbaril sa isang sundalo, gayundin sa dalawang Civilian Active Auxilliary (CAA), at isang sibilyan sa Bohe Lebbung, Tipo-Tipo, Basilan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si WesMinCom Commander Lt./Gen. Cirilito Sobejana sa pamilya ng nasawing sundalo at sa pamilya ng sibilyan.

Nakilala ang mga namatay na sina Private First Class Mark Anthony Monte, CAA members Samy Akay at Alibasa Antaas, at inosenteng sibilyan na si Kong Uging.

“We condemn the killing of our comrade and the innocent victims and extend our sympathy to the bereaved families,” wika ni Lt. Gen. Sobejana.

Siniguro ni Sobejana na mananagot ang mga suspek na nasa likod ng pamamaril.

“We will make sure that the perpetrators face the consequences of their bastardly acts and the victims are given justice,” dagdag pa ni Sobejana.

Biyernes ng gabi binaril-patay ng mga armadong kalalakihan ang isang sundalo at ang apat na miyembro ng Civilian Active Auxillary na assigned sa Lebbung Detachment.

Batay sa report, mga miyembro umano ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Bohe Lebbung sa Tipo-Tipo ang nasa likod ng pamamaril.

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang mga suspek patungo sa Sitio Larangay, Buli-Buli, Sumisip sa Basilan gamit ang motorized pump boats.

Kaagad namang rumesponde ang mga tropa mula sa 18th Infantry Battalion sa crime scene.

Ayon kay Joint Task Force (JTF) Basilan Commander, B/Gen. Fernando Reyeg, na nagkaroon ng alitan ang sundalong si PFC Monte at ang pamangkin ng barangay chairman pero naayos na raw ito.

“Per initial investigation conducted by our troops in the area, the motive of the shooting incident is personal grudge between PFC Monte and Karim Manisan, nephew of the barangay chairman of said barangay,” pahayag ni B/Gen. Fernando Reyeg, JTF Basilan Commander.