-- Advertisements --

Kinumpirma ng isang military official na positibo ang kanilang nakuhang intelligence report na-infiltrate ng ilang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang mga isinagawang kilos protesta nuong SONA.

Pero ayon sa isang military source, normal lang ito sa tuwing may mga rally sa Metro Manila na nilalahakuhan ng legal fronts ng CPP-NPA.

Aniya regular na nagpapakalat sa mga rally sa Metro Manila ang NPA ng kanilang mga tauhan mula sa Southern Luzon para maging “provocateur”, at instigador ng kaguluhan.

Mabuti nalang aniya at napanatili ng mga security forces sa SONA ang distansya sa pagitan ng mga magkakatunggaling rallyista kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga infiltrators na magsimula ng kaguluhan.

Hindi naman masabi ng source kung ilang NPA members ang ang naka-infiltrate sa mga rallies.

” The maximum tolerance polkicy and the “show of overwhelming force” contributed in deterring the infiltrators from starting any violent actions,” mensahe ng isang military source.

Samantala, bolunyaryong sumuko naman kahapon sa AFP Civil Relations Service ang limang kabataang taga-Bukidnon na na-recruit ng NPA sa pamamagitan ng panlilinlang at pangakong trabaho.

Ayon sa mga sumukong kabataan sa halip na bigyan sila ng ipinangakong lehitimong trabaho ng NPA, sila ay sinanay sa pagdadala ng armas para maging mandirigma at ipinadadala sa mga rally sa Metro Manila para magsimula ng gulo.

Ayon kay, Col. Antonio Francisco, CRS Deputy Commander, ang mga sumukong kabataaan ay ibabalik sa Bukidnon at bibigyan ng kaukulang tulong ng pamahalaan.