CENTRAL MINDANAO- Sumiklab ang engkwentro ng militar at New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay 602nd Brigade Commander Bregadier General Roberto Capulong na nagpapatrolya ang mga tauhan ng 7th Infantry Battalion Philippine Army sa Sitio Pahidlat Barangay Latagan Matalam North Cotabato ay nakasagupa nito ang tinatayang sampung mga NPA.

Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng bala sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde.

Agad namang umatras ang mga NPA nang pasabugan sila ng militar gamit ang mortar.

Narekober ng 7th IB sa lugar na nagtatago ang mga rebelde ng isang kalibre.45 na pistola,apat na cellphone, dalawang motorsiklo, walong jungle hammocks o duyan at mga personal na kagamitan.

-- Advertisement --

Wala namang nasugatan sa mga sundalo habang hindi matiyak sa mga rebelde.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng 7th IB ang mga NPA na kanilang nakasagupa sa bayan ng Matalam Cotabato.