Liam and Miley
Miley and LIam/ twitter image

Pinabulaanan ni Miley Cyrus na nangaliwa ito kaya siya hiniwalayan ng asawang si Liam Hemsworth.

Sa kaniyang Twitter post, nanindigan ito na wala siyang ginawang mali at ayaw niyang pagbintangan siya na siya ay nagsinungaling.

Wala din itong krimen na alam niyang kaniyang nagawa.

Tinutukoy ng singer ay ang kumalat na larawan na kahalikan niya si Kaitlynn Carter habang kasal pa kay Liam.

Nauna rito naghain na ng divorce sa korte ang actor.