-- Advertisements --

Pasok na sa Top 25 ng World Polo Tour (WPT) amateur ang Pilipino bussinemess man at lawmaker na si Mikee Romero matapos masungkit ang gintong parangal.

Umakyat si Romero sa World Rank No. 24 matapos makapagtala ng 110 points, at nahigitan ang mga mahuhusay na katunggali mula sa Thailand, Malaysia, at Brunei. Siya na rin ngayon ang nagmamay-ari ng Southeast Asia’s top amateur polo player.

Ang tagumpay ay bunga ng mahusay na pagsanay sa kanyang team na GlobalPort sa 2025 Gauntlet of Polo, kung saan umabot sila sa semifinals ng C.V. Whitney Cup, at quarterfinals ng U.S. Open Polo Championship bago natalo laban sa La Dolfina/Catamount, 11-10.

Ayon kay Romero, hindi lamang ito tagumpay para sa kanya, kundi para sa Pilipinas at sa world polo arena. “We are no longer just spectators—we are players in the arena,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Romero na ito pa lamang ang simula ng mas malawak na partisipasyon ng Pilipinas sa larangan ng Polo sport.