-- Advertisements --

Naitala ni Filipino lawmaker at polo player Mikee Romero, ang isang malaking tagumpay sa kanyang karera matapos muling umangat sa No. 6 sa U.S Polo Rangkings ng Abril ng kasalukuyang taon.

Kasama niya sa top 6 si 10-goaler at 2024 U.S Open Champion Poroto Cambiaso, na parehong may 205 points sa rangkings para sa Enero hanggang buwan ng Mayo 2025 Winter Polo Season.

Sa kabila ng tagumpay sa U.S. rankings, nakamit din ni Romero ang No. 24 na ranggo sa World Polo Tour bilang pinakamataas na Southeast Asian player sa global circuit.

Sa kabilang banda ang mga nangungunang pangalan sa U.S. Polo Rankings ng Abril ay sina Tomas Panelo (No. 1), Juan Martín Nero (No. 2), Adolfo Cambiaso (No. 3), at Barto Castagnola (No. 4).

Bukod sa kanyang personal na tagumpay, ang kanyang top polo pony na si ‘Niki’ ay nagkamit din ng pagkilala, na naglista sa No. 1 spot sa U.S. polo horse rankings, kasama ang mga iconic na kabayo tulad ni ‘Catwoman’ (Juan Martín Nero) at ‘La Dolfina’ ponies (Adolfo Cambiaso at Tomas Panelo).

Ayon kay Romero, isang malalim na kahulugan ito. Ang makasama sa mga pinakamahusay na manlalaro sa U.S. at makilala si ‘Niki’ sa tabi ng pinakamagagaling na kabayo sa mundo.