Nagkasundong maglaban sa boxing ring ang dalawang legendary boxer sa mundo na sina Mike Tyson at Floyd Mayweather Jr.
Kapwa pumirma na ng kasunduan ang kampo ng dalawang boksingero para isagawa ang exhibition match sa susunod na taon.
Inaayos pa ng organizers ang mga petsa ganun din ang lugar kung saan ito gaganapin.
Sinabi ng retiradong heavyweigh boxer na si Tyson na hindi niya inaasahan na mangyayari ang nasaibng laban kung saan hindi basta mahulaan kung sino ang maaaring manalo sa kanilang dalawa.
Hindi rin ito makapaniwala na pumayag din si Mayweather na isagawa ang laban kaya hindi ito nagdalawang isip na kumasa sa hamon.
Sa panig naman ni Mayweather na dahil sa exhibition ito ay hindi niya isusugal ang kaniyang malinis na 50 panalo at walang talo.
Itinuturing pa nito na isang magiging malaki ang laban kung saan matutunghayan ng mga fans ang kanilang matagal na inaasam sa laban.
Huling lumaban si Mayweather ay noong Agosto 2017 ng talunin si dating UFC fighter Conor McGregor habang si Tyson ay huling lumaban noong Nobyembre 2024 laban kay Jake Paul.