Hinikayat ni Michelle Madrigal ang lahat ng mga “diet conscious” na iwasan ang pagkokompara sa istilo ng bawat isa.
Ayon sa 31-year-old actress, ito ang kanyang naging inspirasyon para maging “fully committed” sa target na normal na malusog na pangangatawan.
Mismong si Madrigal ang nag-post ng kanyang throwback at present photo kung saan kapansin-pansin ang malaki pa nitong dibdib noong nakaraang taon, pero piniling ipaalis ngayong taon para sa mas determinadong fitness transformation goal.
Payo ni Michelle, mas naramdaman niya ang kanyang totoong sarili sa tunay na laki lamang ng dibdib kung saan tugma na rin ang kanyang mga taste sa healthy diest.
Wala aniyang katotohanan na pare-parehong epektibo ang paraan ng pagda-diet dahil kailangan pa rin ang disiplina at paninidigan hanggang sa huli.
Si Madrigal na ay nakabase na sa Amerika kasama ang foreigner football player at track star husband na si Troy Woolfolk.