Michelle Dee

Hindi nagpapakampante ang pambato ng Pilipinas sa Miss World na si Michelle Dee.

Sinabi nito na malaki ang hamon sa kaniya sa laban lalo na at anak siya ni 1979 Miss International Melanie Marquez.

Patuloy aniya ang kaniyang isinusulong na advocacy sa global awareness ng autism.

Gaganapin sa December 14 ang nasabing pageant sa London, United Kingdom.

Magtutungo sa November 18 si Michelle para sa nasabing pageant bilang bahagi ng maagang paghahanda.